Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 5

View previous topic View next topic Go down

Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 5

Post by Jumi on Wed Jul 22, 2009 1:32 pm

Chapter 5 – Ang mga babaeng Kikay.

Kadalasang na mi-mislead tayo na lahat ng kikay ay malalandi at mapaglaro. Marahil sa iba ay totoo, pero hindi lahat ng pagkakataon, ang pagiging maharot nila ay nangangahulugang malandi sila. Atin silang kilalanin upang atin silang maintindihan.

Mga katangian ng Babaeng Kikay


Mapaglaro. Lalong lalo na sa mga salitang ginagamit. May hawig sa gay lingo “gay language” ang ginagamit nilang mga salita. Malambing sila kung magsalita at napaka vain o napaka conscious nila sa kanilang itsura. Kailangan ay lagi silang maganda at presentable sa lahat ng tao. Minsan ay na mi-mislead ang mga tao sa kaibahan ng mga kikay at sa mga mas worst kung mang seduct. Ang mga PLAYER. Pero sa chapter na ito. iikot lang ang ating usapan sa mga kikay. At pure kikay lamang.

Ang mga tipong ito ay may image na tweetums. Madalas ay malapit sila sa mga guys. Sila ang Spice girls o “it” girls ng class. Open sila sa lahat ng guys na gustong makipag kaibigan sa kanila. Pero hindi sila open sa mga guys na tinuturing ng community na loser, o yung mga hindi cool. Makakabawas daw kasi sa image nila iyon. Marahil ay magpapakita sila ng tamang pakikisama pero hindi yung point na parang feeling close. Madali silang mag tiwala sa mga tao at dahil open sila sa any form of socialization. Madali silang I-approach. Minsan ay sila pa nga ang nag iinitiate ng “Hi, Hello” conversation pero sa mga taong type lang nila. Sila ang matatawag nating Miss Congeniality kung ikukumpara sa lahat ng uri ng mga babae. Madali silang kausap at mababaw ang kaligayahan. Selosa sila at sila yung tipong kapag nag selos ay sasabihin kung sino ang pinagseselosan, at kung bakit sila nag seselos. Matampuhin at kailangang lambingin at suyuin. Gusto nila ay open talk para mapagusapan at maayos agad ang problema o gusot. Iyakin sila sapagkat inaappreciate nila lahat ng feelings na nadarama nila. Napaka showy ng mga taong eto kaya mag-eenjoy kasama sila. Makwento sila at laging nag iiwan ng impresyon na gusto “kitang ka-kwentuhan”. Ayaw nila sa mga torpe. Ang mga tipo ng babaeng ito ay napaka thoughtful. At ibibigay ang lahat kapag pumasok sa isang relasyon.

Mga Sitwasyon at kung paano ang dapat gawin sa mga Kikay

Marahil ay may overview ka na sa mga babaeng kikay at kung paano sila pakikitunguhan. Sa totoo lang. Napaka simple lang ng approach na dapat mong gawin sa kanila. Straight to the point at dapat maipa-feel mo na confident kang makilala sila. Wag kang magpapa-intimidate sa mga kanilang killer smiles and good looks. Dapat maipakita mong may angas ka, may karapatan ka, at may lakas ka ng loob para kilalanin sila hindi lang sa pangalan. Pero hindi yung to the point na magiging parang yabang hangin lang ang ipinapakita mo. Mas maganda kung sila ang maiintimidate sa’yo. mas maibibigay mo ang impression sa kanila na “Wow! Interesting ang guy na to ah?” Eto ay ilan lamang sa mga pwedeng maging paraan para maging mukhang maangas, kahit hindi. Sa harap ng mga kikay girls.

1. “Hi, I’m Gelo. What’s yours?” Sabay abot ng kamay at killer smile with eye to eye contact. Feel the rush! Dapat wag mong titigilan ang mga mata nila hangga’t hindi sila lumilihis ng tingin sa’yo. after nun ay tanungin mo sya ng mga common things. It’s a simple way para maging close ka sa kanya at makilala sya ng paunti unti.

2. Or pwede mong dugtungan ang Step number one ng bola. Gusto nilang binobola
Sila. They love bull [oops] and stuff. Believe me. Lalo na kung I-eeemphasize mong maganda sila. At kung papansinin mo lahat ng maganda sa kanila.

Personal Experience.

University of the Philippines 1998

Umpisa ng class nuon. Nasa 2nd year college na ako at kagaya ng dati. Panibagong section ako napabilang. Kami kasi ang kumukuha ng schedule naming. Nagkataong kami ni randy (best friend ko since first year) ay naging magka-klase. May friend sya, si denise. Simpleng kikay sya. Friend sya ng buong klase kaya lang dahil sa bago lang ako ay di ko pa sya kilala. Napaka friendly nya at lagi nyang kasama ang mga sikat na girls sa class. Kasama nya rin lagi ang mga gwapong boys. Nakakahiya mang sabihin. Pero hindi ako kasama sa mga gwapong boys na iyon. Di kasi ako pala-sama sa mga social parties eh. One time, after ng history class naming. Lumapit saakin si randy kasama si denise.

“Ay, nga pala friend ko si denise.” Pambungad ni Randy

“Hi, I’m Denise. How you doin’?” kasunod na bati ni denise sa akin.

“Uhhh.. Gelo ang name ko.” sabay abot ng kamay at titig sa mata nya.

Habang nakatitig ako ay napansin kong may pagka bluish ang eyes nya. Kaya isinunod ko agad na…“Ma-ask ko lang ha? Naka contact lens ka ba? Ang ganda kasi ng mata mo eh”

“ha? Ako? Uhm, hindi ah. Bluish lang talaga yan.” Sabay ngiti.

“ahh ganon ba? Napansin ko lang, bagay kasi sa mga pilik mata mo eh.” Biglang bumuka ang aking bibig. Marahil nagandahan ako sa kanya.

“uhm thankyou ha. Nakaka flatter naman. So, may pager ka ba?” tanong nya saakin.

“ako? Uhm.. wala eh.. pero may cellphone ako” sagot ko sa kanya.

“ah.. okay. Do you mind kung kunin ko cellphone number mo?” nakakagulat na tanong ni denise sa akin.

“sure.. sure… etoh oh.” Sabay bigay ng cellphone number ko.

Kinalaunan ay naging ka close ko si Denise. Muntik na kaming umabot sa point na maging kami. Pero masyado akong torpe. Kaya hanggang best friend lang ang naabot ko sa pakikipag salamuha sa kanya.


Konklusyon

Ang mga kikay ang pinaka kwela kasama. Napaka open nila at tiyak na hindi ka ma bobored kapag kasama mo sila. Yun nga lang, mahirap madistinguish kung gusto ka nilang kasama o dahil sa ugali lang talaga nilang maging friendly at makipag harutan sa iyo. Madaming tao ang na mimisunderstood ang mga ginagawa nila as kalandian. Pero ang totoo ay napaka passionate nila sa kanilang panlabas na kaanyuan at pinangangalagaan ito mahigit sa iba pa nilang katangian.

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts: 589
Age: 24
GP: 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum