Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 3

View previous topic View next topic Go down

Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 3

Post by Jumi on Thu Apr 02, 2009 2:13 am

Chapter 3 – Ang mga Conservative.

Maria Clara! Josefina Madlangtuta! Cepura Anoñuevo! Ang mga pines kumilos. Ang mga konserbatibo. Sa panahon ngayon ay bihira na sa mga babae ang makikitaan ng super conservative style. Depende kasi iyon sa pamilyang kinalakhan nila. Pati na din sa lugar at mga taong nakapaligid sa kanila. Sila ay may konting pagkukulang sa confidence gawa nga ng mga bagay na hindi pa nila nasusubukan dahil bawal sa kanila at estrikto ang kanilang mga magulang. Since liberated age tayo ngayon. Once in a blue moon nalang natin sila makasalamuha. Pero the fact na nag eexist sila, ay nagbibigay saakin ng karapatan para isama sila sa librong ito.

Mga katangian ng babaeng Conservative


Mahinhin. Sila yung mga taong may nasagasaan na sa kalye pero mahihiya silang maki-usisa kung ano ang nangyari at kung sino ang nasagasaan. Mabagal kumilos. Parang ang oras nila ay slow motion kum baga. Pero sure sila sa gagawin nila. Hindi nakikipag-usap ang mga tipong ito. hindi sila ang unang nagsasabi ng “Hi, Hello”. kadalasan sila ay nasa kanilang kwarto. Gumagawa ng school activities o kung hindi ay gumagawa ng mga bagay na pang babae lamang.

Hindi lumalabas ng bahay.Pinapangalagaan nila ang kanilang pagkababae ng sobra. Sila yung may katangiang mapagtanda sa unang impresyon pa lamang. Kapag may mali kang ginawa sa umpisa ay tiyak na matatandaa’t matatandaan nila ang ginawa mong iyon kahit na ilang taon pa ang lumipas. Kaya mag ingat sa pagbibigay ng unang impresyon sa kanila. Dahil ang unang impresyon mo ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang relasyon mo sa kanila. Sila rin yung tipong magpapatay malisya kung anjan ang kanilang iniirog. At iiyak ng sobra sobra kapag nasaktan.

Kapag pinakitaan mo sila ng motibo at effort ay tiyak na pahahalagahan nila. Sila yung tipong ang pagmamahal nila ay may halong obsesyon. Kaya humanda ka kapag napaibig mo sila. Dahil ang kanila ay kanila lamang at gagawin nila ang lahat para mapasakanya ka lamang. Sa kabilang banda, ay lingid sa kaalaman ng nakararami, may bahagi ang mga babaeng ito na mejo may pagka adventurous ika nga. Dahil na din siguro sa kuryosidad sa mga bagay na hindi nila ginagawa dati o di nila karaniwang ginagawa ay may side silang di mo akalaing sila.





Mga Sitwasyon at kung paano ang dapat gawin sa mga conservative


Ayon sa aking nasabi sa unang bahagi. Ay hindi sila ang unang mag sasabi sa’yo ng “Hi, Hello”. Kailangan mo ng sapat na kapal ng mukha para maging ice breaker. Huwag kang matakot. Dahil takot din sila sa iyo. Ang mga ganitong tipo ay kailangang kausapin ng kausapin upang makuha ang loob. Napakalaking puntos lalo na kung mapapatawa mo sila. Kailangan ay maipakita mo na confident ka sa sarili mo. Papaano? Sa pamamagitan ng pag e-eye contact sa kanila. Sabi ko nga kanina, huwag kang matakot. Dahil kung makikipag eye to eye contact ka sa kanya ay tiyak na iiiwas nya ang tingin nya sayo. sila ang matatakot sayo. pero syempre, hindi sapat ang eye to eye contact lang. Mamimis-understood ka nila bilang isang manyak. Dapat may kasamang ngiti. Ung friendly smile na parang pinapakita mong gusto mo syang makilala ng lubos.

Huwag na huwag kang mag mamadali. Inuulit ko. huwag na huwag. Ang pagmamadali ay magbubunga ng impresyon sa’yo na hindi mo ginagalang ang pagka babae nila. Ang mga babaeng ganito ay gusto ang mabagal pero romantikong approach. Yung tipong pwedeng pam pelikula.

Kung mahahanap mo ang kanilang gusto, ay tiyak na lalaki ang chance mo na makuha sila. Kum baga, winner takes all. Kaya dapat ay mag research ka tungkol sa babaeng ito. dahil ang mga babaeng ito ay appreciative in a way na makikitaan ka nila ng effort na hindi nila inaasahang Makita sayo. yung para bang hindi ikaw, pero ginawa mo. Yung ang nakikita nya ay ang alaskador na ikaw, pero biglang pinakitaan mo sya ng iyong soft side at kakornihan. Tama. Mahilig sila sa mga korni pero romantikong banat. Mas korni, mas maigi. Mas maaapreciate nila sapagkat hindi man ganun kababaw ang kanilang kaligayahan ay tiyak na kikiligin sila sa mga banat na makikita lang nila sa pelikula. Eto ang ilan sa mga maaaring gawin kung may nakasalamuhang Conservative. Applicable lang ulit ito kung may friend kang magpapakilala sakanya.







1. umaktong normal. Dahan dahan syang tignan na may kasamang ngiti. “Hi, I’m Gelo nga pala. Pwede ko bang malaman ang name mo?” gawin ito ng nakatitig sa mga mata nya na may kasamang ngiti. Makapagbibigay ito sa kanya ng impresyong napaka friendly mo at masarap kausap na tao. Kausapin mo sya ng kausapin. Kung wala kang maisip na topic, ay tanungin mo na lang siya ng tanungin para lang hindi maputol ang conversation nyo. Mahalaga ang bawat oras na nakakabonding mo ang mga babaeng tulad nito. Malaki ang impact sa kanila ng oras na nilalaan mo sa kanila para kausapin.

2. “Hi <pangalan ng kaibigan mo>, hindi mo ba ako ipapakilala sa friend mo?” sabay ngiti sa kanya at pagpapakilala ng iyong sarili. Mahalaga ang eye to eye contact at ang pag ngiti sa sitwasyong ganito. Nang sa gayon ay ma neutralize ang ginawa mong pag break ng ice, at hindi nila isipin na ikaw ay presko.


Personal Experience

Binyagan sa simbahan sa malabon @ 1998


Isa itong binyagan na ginanap sa malabon parish church nuong 1998. Kasama dun ang aking dad sapagkat ginawa siyang ninong ng dalawang mag asawa. Kababata ko ang nagpabinyag. Si Arnold na dati naming kapitbahay na nakakalaro ko pa ng tumbang preso nuong bata pa kami. Nakakasamang maligo sa malapit na ilog sa aming lugar. Kaya close kaming dalawa.

“Uy kapatid, congratulations ah. May anak ka na.” Bati ko kay Arnold.

“Naku pare, sinasabi ko sayo, maghanap ka na ng mapapangasawa mo at bumuo na ng pamilya. Sige ka, baka maubusan ka ng mga magaganda jan. buti nalang nakita ko tong misis ko. pagala gala sa tabi tabi. Hehehe” sagot ni Arnold habang nilalambing ang misis at hinalikan sa pisngi.

Biglang may lumapit na babae, karga ang bata at kinausap si Arnold at ang kanyang asawa. Hipag nya pala iyon. Nginitian ko sya pero hindi sya bumalik ng ngiti saakin. Actually, kanina ko pa sya nakikita sa ceremony pero ni hindi ko sya nakitang nakipag usap maliban kay Arnold at sa misis nya. Kaya nabuo ang aking kunklusyon na sya ay nabibilang sa babaeng conservative.

“Nold, pakilala mo naman ako sa kaibigan mo” pabiro kong sabi. Na may kasamang ngiti.


Ipinakilala nga ako ni Arnold sa kanyang hipag at nakausap ko sya buong oras pagkatapos ng reception. Nakuha ko ang number nya at kinalaunan ay nagkaroon kami ng di pormal na relasyon.

Fin.


Konklusyon


Ang mga babaeng ganito ay masarap mahalin. Magiging loyal sila sayo as long as loyal ka sa kanila. Madaling mahulaan ang kanilang mga gusto dahil napaka predictable ng mga tipong ito. mejo matampuhin at insecure sa mga bagay. Selosa at kailangan ng malaking amount ng attention para ma satisfy ang insecurities nila. Masaya sila kasama lalo na at kuha mo na ang pagtitiwala nila at magiging all-out sila sayo pag nagawa mo yun. Mejo may katagalan din bago mapasagot ang mga babaeng ito pero huwag ka, dahil ang pag eeffort mo ay tiyak na hindi masasayang pag ininvest mo para sa kanya.

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts: 589
Age: 24
GP: 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum