Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 2

View previous topic View next topic Go down

Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 2

Post by Jumi on Thu Apr 02, 2009 3:06 am

Chapter 2 – Ang mga isip bata.

Marami sa atin ang mga nakaka encounter ng mga babaeng mas bata pa satin hindi lang sa edad. Pati sa kaisipan. Hindi lamang basta simpleng “hi, Hello” ay makukuha mo na ang babaeng ganito. Kailangan din itong pag-ukulan ng oras at large amount ng understanding sa part nating mga lalake. Kaya tawagin nalang natin silang “BATA” para hindi masyadong awkward ang pagrereffer natin sa kanila.


Mga katangian ng babaeng Bata


Syempre, Bata. Sila yung tipong mabababaw ang kaligayahan at kahit konting pagpapakita mo lang ng thoughtfulness ay maaappreciate nila. Kaya lang, dapat nilang Makita na nagbibigay ka ng effort para makipagmabutihan sa kanila. Sila yung tipong aarteng hindi sila easy to get pero ang totoo, easy to get sila. Siguro bunga na din ng kuryosidad sa kung ano ang maaari nilang pasukin. Sila din ang mga babaeng mas mag eenjoy pang kasama ang mga kaibigan kaysa sa kanilang mga boyfriend. Sila yung mabilis mag tampo at napaka selosa. Sila din yung mga tipong lagi mo dapat sinasabihan ng mga nadadama mo. Sila din ang mapagpanggap na kunwari ay okay lang sakanila pero pagdating nila sa kanilang kwarto ay magiiiyak at magtatampo sa’yo. Kadalasang padalos dalos ang mga tipo ng babaeng ito. Pag nagkamali ka ng isang beses at bigla nilang maisipang makipag break sayo, ay tiyak na gagawin nila. Kadalasan ay hindi sa komprontasyon. Ito ay through text or through phone. Or even through sulat. In contrary sa kanilang ugali. Kahit ganun sila ay sila ang pinakaloyal at napakalambing sa lahat ng tipo ng babaeng pwede mong ma encounter.



Mga Dapat gawin sa mga babaeng bata.


Since sila ay napaka moody. Kailangan ng ingat sa pakikipag usap sa kanila. Kailangan mong gumawa ng magandang impresyon sa unang pagkikita pa lang. Hindi naman mahirap magkaruon ng karelasyong ganito. Ang talagang kailangan mo lang ay ang matibay na pasensya. Tama. Uubusin nila ang pasensya mo. At lagging ikaw ang mali kapag nag away kayo. Pero ang kapalit naman ay tiyak na magiging loyal sila sayo. Hindi sila makikipagusap sa mga lalakeng nakapaligid at pumoporma sa kanila. Talagang ikaw lang. Pero sa kabilang banda, kapag nagkamali ka sa kanila at hindi ka nakahingi ng sorry ay sila mismo ang lalapit sa mga lalakeng nakapaligid sa kanila. Pipilitin nilang ipakita sayo ang pakikipaghalubilo nila sa ibang lalake at pagseselosin ka. Pero huwag mag alala. Kailangan ay masakop mo ang kanyang isip at puso. Kadalasang ang mga taong ito ay mababaw lang ang kaligayahan. Konting chocolates, teddybear at pagsasabi ng “mahal kita” sa kanila ay tiyak na makakapag pa loyal sa kanila. Kung susumahin. Masaya makipagrelasyon sa mga babaeng ito.


Mga Sitwasyon at kung paano ang dapat gawin sa mga babaeng bata.

Sa unang pagkikita palang. Ipakita mong confident ka sa sarili mo. Wag naman yung sobrang confident na mag mumukha kang mayabang. Yung tama lang. Mas gusto nila yung mejo “presko” ang dating. Pero hindi sila mag papakita na tinatablan sila sayo. Ang gagawin nila ay kunwari di ka nila napansin. Magpapakita sila na hindi sila easy to get. Pero wag ka matinag sa ganun. Kausapin mo sya. Kunin mo ang number nya. Wag ka mahiya. Eto ang mga dialog na pwede mo gamitin para makuha mo ang magandang impresyon at number nya. Applicable lang ito kapag may friend ka na magpapakilala sayo sa girl. Hindi ito pwede sa mga stand alone na ikaw lang mismo ang kikilala.

1. “Hi, I’m Gelo nga pala. Nice meeting you.” Habang sinasabi mo ang mga katagang yan ay iabot mo ang kamay mo. Siguraduhing nickname ang ibigay mo para magkaruon ng “feeling close” feel para sa kanya. At para mo na ding sinasabi na comfortable kang makilala sya. Siguraduhin ding nakatitig ka sa mata nya at nakangiti. Sure akong hindi ka nya tatanggihan kapag hiningi mo number nya.

2.
“Hi po. Ako nga pala si Gelo. Ano po name mo?”. Eto naman yung “MAGALANG” style ng pakikipagkilala. Simple lang ito. Pilitin mong isingit ang “PO” at “OPO” na word. In that way, mejo maiirita sila. Pero mabibigyan mo sila ng feel na comfortable ka at napaka gentle man mo. Siguraduhing nakangiti ka at makamayan sya.

3.
“May dumi ka sa buhok oh.” Tapos tanggalin mo yung “imaginary” na dumi nya sa buhok. Which is wala naman talaga. Mag eend up yan na mag tthankyou sya sayo at the same time mahihiya dahil nga nakitaan mo sya na may dumi sya sa buhok. Yan ang magbibigay sa’yo ng leverage para makausap sya. Mapipilitan syang makausap ka dahil may favor kang ginawa sa kanya. The bottom line, mag tatawanan kayo. And At that time. Maaari mo nang makuha ang name at number nya at makipag halubilo sa kanya. Sa tingin ko, ito ang pinaka epektibo sa mga dialogs na pwede mong gamitin.

Personal Experience sa mga bata

Mendiola @ 1997


Party nun ng aking kaibigan. Birthday nya kasi at tiyak na may chibugan at kainan sa party nya. Kaya napilitan akong pumunta kahit pa may exam kinabukasan. Kaya nagdala ako ng libro ng mga I-eexam ko bukas para mapagaralan on the way sa house nila. Since birthday nya yun, I expect na puro boys lang ang nanduon at ang family nya.

So I arrived at past 15 minutes at seven ng gabi. Kumain ako at nakipagusap sa kaibigan kong may birthday. Iniisip isip ko nang mag paalam dahil kailangan ko talagang mag review. Pero habang kausap ko ang kaibigan ko. may isang babaeng napaka ingay at escandalosa kung tumawa. Yung tipong wala nang bukas kung tumawa at mejo alaskadora. Kitang kita mo to sa way kung paano sya makipagusap sa kanyang mga kaibigan. Napakalikot at napaka touchy nya sa friends nya. Dun nabuo ang konklusyon kong isa syang BATA. Hindi bata sa itsura, kundi sa ugali at isip.pero may itsura sya at talaga namang maganda.
Nagulat nalang ako at lumapit saakin ang kaibigan ko para ipakilala ang babaeng iyon. Sya si meldy. Habang patayo palang ako ay iniisip ko na ang mga sasabihin ko kay meldy. Pero wala talaga akong maisip. Nakita kong may confetti sa buhok si meldy kaya.

“uhm, may confetti ka sa buhok oh.” Sabay tanggal ng confetti at ngiti sa kanya.

“ay thank you ha?” sabay bawi sa ngiti ko.

Pauwi na sana ako that time pero napagpasyahan kong makipag usap kay meldy. So nakuha ko ang name nya at number nya. And eventually naging kami after 2 months ng panliligaw.



Fin.


Konklusyon


Ayon sa mga obserbasyon ko sa mga babaeng bata. Madali lang silang mahulog sa isang taong nagpapakita sa kanila ng effort at oras para sa kanila. Puro sweet talk at pag k-kwento lang ng mga masasaya at mga problema ang gawin mo. Ittry nilang payuhan ka. At ang dapat sabihin mo lang ay “oo, tama ka, gagawin ko yan” in that way maipapakita mong nagtitiwala ka sa kanila at sa desisyon nila kahit na hindi mo naman talaga gagawin. Hindi kailangan ng itsura masyado sapagkat kadalasang ang tinitignan nila ay ang quality time nila kasama ka. Kung mapapatawa mo sila ay mas mabuti. Enjoyment ang hinahanap ng mga tipo ng babaeng ito. enjoyment na nakukuha sa pakikipagusap sa taong gusto silang makausap. Kaya ipadama mo sa kanila na gusto mo silang kausap. Ayaw nila sa mga torpe. At kailangan nila ng higit na pangunawa pagdating sa relasyon at thoughtfulness para tumagal ang relasyon nyo.

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts : 589
Age : 26
GP : 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum