Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 7

View previous topic View next topic Go down

Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 7

Post by Jumi on Wed Jul 22, 2009 1:49 pm

Chapter 7 – Ang Mature Woman.

Mature Woman o mga babaeng eight to nine years ang tanda kaysa satin. Hindi lang sa edad ang tanda kundi pati sa personality at sa way kung paano sila makitungo sa mga bagay bagay at mag decide. Indeed ang isang mature woman ang bagay sa’yo kung ang hanap mo ay thrill at spice sa iyong relationship.

Katangian ng mga Mature Woman.


As I’ve said. Sila yung mga taong mature kung mag isip. Slow sila mag decide pero sure ang kanilang decision at di mo na mababago. Tahimik lang sila. Nagmamasid. Hindi sila yung mag-boka type ng tao. They rather be silent, observing than wasting a minute of talking knowing nothing. Masyado silang play safe. Di sila papasok sa mga sitwasyong alam nilang wala silang makukuha.

Relationship-wise hindi sila masyadong showy sa partner nila kapag sa public. mas gusto nilang I-enjoy ang time nila with their partner privately. Sila yung mga tipong may pagka-manhid. Pero pakitang tao lang yun. Hindi talaga sila manhid. Iniipon nila yun. Para silang sponge na nag iipon ng water, pero wag ka. Kung anong inilambot ng sponge, yun din naman ang ikinasama ng galit nila. Tama. Para silang bulkan kung magalit. Pero isang bagsakan lang. Kapag nailabas na nila ang galit nila. Wala na yun. Forgiven and forgotten na yun. Mature nga kasi sila eh.

They have the attitude of being possessive. Selosa sila. Di nila iyon pinapakita directly. Pero ipaparamdam nila na nag seselos sila. They will try to act normal pero may konting pahiwatig na may ibang aura. May ibang feeling sa kanila na hindi mo maintindihan. Yung tipong guguluhin ka ng konsensya mo kung bakit sya nag a-act that way.

Fun-wise. Syempre hindi sila patatalo. Kung mapusok na ang tingin nyo sa mga player. Wag ka sa mga MW. Kum baga kung gagawing phrase ang Fun-Meter nila. Parang “Papunta ka palang, pabalik na ako” ang tema. Dahil nga mature na sila. Alam na nila ang mga dapat at makapag papasaya sa isang relasyon. And trust me, they are more than willing para iparamdam sa partner nila ang fun na deserve sa pagkakaroon ng MW na partner.


Mga Sitwasyon at kung paano ang dapat gawin sa mga MW

Since ang mga MW ay mapagmasid. They observe by what they see and what they hear but Quietly. Dapat iparamdam mo sa kanila na may dating ka. Hindi sapat yung usap-usap lang. Mas fond sila sa mga bagay na mga mata ang nakakapag judge. They will observe from the way you look, the way kung paano mo dalhin ang sarili mo at ang way kung paano ka mag salita. Mas naaatract sila sa personality na pinapakitang “I’m independent”. Ipakita mong independent ka. na kaya mong dalhin ang sarili mo sa mga sitwasyong awkward. Yung mga sitwasyong wala sa safe zone mo. Be cool. In fact, be always cool. Ayaw nila sa mga taong walang thrill. Ipakita mong interesting kang kilalanin. At dun sa ipapakitang mong personality, dun nila ijujudge kung ibibigay ba nila ang name at number nila sa’yo. Ito ay ilan lamang sa pwedeng gawin upang makuha ang attension ng MW.

Stand Alone.

Depende sa sitwasyon. At sa lugar.

Kapag sa bar mo nakita.

· Lapitan mo sya at sabihing. “Can I buy you a drink?” sabay dugtungan ng. “Hi, I’m Gelo po. May I know your name?”. Sure ako na ibibigay ng MW ang name nila sayo. since they know what they are doing. Sila din ang tipong hindi takot kumilala ng mga tao.

Non Stand Alone o yung may friend kang nagpakilala sa kanya.

· “Hi.” Huwag mo munang banggitin ang name mo hangga’t di binabanggit ng kaibigan mo ang name mo sa kanya. Ito ay mag poproduce ng effect na may dating ka at hindi ka na intimidate sa kanya. Sa gayon, machachallenge siya na kilalanin ka. huwag kalimutang ngumiti at tumingin ng diretso. Eye of the tiger ika nga. Huwag lulubayan ng tingin ang kanyang mga pupils hangga’t di sya lumilihis ng tingin. That way mejo mag fee-feeling sya na type mo sya.


Personal Experience


Mall of Asia Padi’s Bar @ 2008 (birthday ko)

This was my birthday. Di ko na sasabihin kung ano ang edad ko dito, Napaka memorable saakin ng araw na to due to the fact na iniwan ako ng girlfriend ko sa ere. Di actually kami pero tinuturing ko na syang girlfriend ko. anyway. It was a long Saturday night. Since birthday ko, di naman sa pagmamayabang. Nagpa open bar ako. Para I treat ang friends ko. ang dami kasi nila eh. Let’s say sila’y nasa round 18 to 20. and I’m very thankful kasi I just invited them that day. Anyway, back to the topic. Kahit na ginawa kong open-bar ang padi’s, di pa rin maiiwasan na pumunta ang mga ibang tao kahit may nakalagay nang sign sa labas na “reserved”. Lalo na sikat ang bar na yun. Pero okay lang. More people equals more socialization. Heck I want to enjoy my night. As I’ve said, nakikipag bunuan pa ako sa girlfriend ko that time kasi gusto na nya talaga akong ibreak through text. So I wasn’t really on the concentration to party hard. I’m having a hard time. Pilit ang mga smiles ko, and so on. Well, nung matanggap ko yung last text ng girlfriend ko sakin. I know it’s over so I turn off my phone and leave it to my pocket. And for no reason but to enjoy, I dance dance dance. It was only a matter of minute before a graceful woman entered the club. Nung una’y tinitigan ko sya. Parang sinasabi ng mga mata ko na. “mam, this was reserved for me. Just for me. No strangers allowed”. But then when she smiles, parang nagiba yung itsura nya. Di mo kasi makikitang maganda sya in the first place sa unang tingin palang. Mejo adult looking kasi sya. Let’s say round 27 or 28ish ang itsura nya. Anyway, back to her. She talked to the attendant. And yeah, sinabi ng attendant na reserved ang place. May nag cecelebrate ng birthday dun. Sabay itinuro ako ng attendant. Nagulat ako kasi, di ko naman akalaing ituturo ako ng attendant eh. Then the woman walk closer to me and say “Can me and my friends atleast stay here? Favorite kasi namin tong bar na to eh. Please?” And yeah. Ano pa nga ba, dinale nila ako sa kahinaan ko. ang pagsasabi ng “please”. So there were there, sitting in the table sa may corner. An hour and a half later. Mejo pagod na kami ng mga kasamahan ko at ang iba sa kanila ay umuwi na. Pero yung group ng adult woman na naki crash sa party namin, ayun. Andun pa. Tawanan ng tawanan. So me? Being so depressed dahil sa break up through text, I went on the bar with my cousin and ordered a small shot of margarita. My cousin was kinda tipsy that time so he rest his head on his arms and suddenly fall asleep. While me, enjoying my margarita nang walang chaser. Kahit mejo masakit na ang ulo ko. at that moment, lumapit yung babaeng nag ask sakin kung pwede silang maki-sit-in sa bar. She was going to buy a drink yata. And for no apparent reason, inunahan ko na sya, I asked her if she wants a drink.

“excuse me ma’am. Do you mind if I buy you a drink?” tanong ko, nakakapagtaka dahil wala man lang ako ka kaba-kaba nung sinabi ko yun. I guess sobrang confident ko that time dahil na siguro sa influnce ng liquor.

“sure” sabi nya with a smile.

Mabilis akong magpakilala. Masamang ugali kasi ang makipagusap ka sa tao na hindi mo pa binabanggit ang name mo. So.

“I’m angelo” wika ko sabay abot ng kamay ko sa kanya para makipag shake hands.

“I’m Sarah. Salamat sa drinks ha? At salamat sa pagpapasit in samin. Actually nahihiya nga ako sayo eh.” Sabi nya habang kinakamayan ako. Mejo iniiwas nya ang mga mata nya. Katunayan na talagang nahihiya sya.

“okay lang yun noh. More people equals more fun diba? Hehehe” sagot ko sa kanya.

“So, birthday mo ngayon? Happy birthday ha? Next time na lang yung gift. Pwede?” pabati nyang sabi sakin.

“hahaha. Sige ha, asahan ko yan. So pwede ko ba makuha ang number mo? Assurance para makuha ko yung gift ko?” pabalik na sagot ko sa kanya, dahil sa impluwensya ng alak, di ko napansin na sobrang presko ng dating ng sinabi ko kaya napailing ako ng konti at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

“sure. Sulat ko sa tissue.” Nakangiting sagot. Sabay sulat sa tissue ng number nya.

Di ko kasi nilabas ang phone ko, in-off ko kasi gawa nga nung pag bbreak sakin ng girlfriend ko.

After that, we had a nice talk about relationships. Damn! That was a wonderful evening. We talked for like an hour. I feel I was an adult also nung kausap ko sya. Sobrang nahihiwagaan ako sa babaeng iyon. And after our talk. I know that was the last time I’m going to talk to her kasi alam kong di nya ibibigay ang real number nya. Heck kulang ng isang digit yung number na binigay nya sakin. Na notice ko na yun nung sinusulat nya pa lang at alam kong sinasadya nya yun. So then, she kissed me sa cheeks and greeted me happy birthday. And there, Natapos ang encounter ko sa isang Mature Woman.


Conclusion

MW are straight to the point. You don’t need some strategies or something. Just be concise. Ipakita mo agad ang motibo mo sa kanilang kilalanin sila. And yeah, they loved that kind of approach. Specially because they treated each situation in an adult way. No segways, no bullshit. Just true socialization.

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts : 589
Age : 26
GP : 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

Re: Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 7

Post by dualdeath on Wed Jul 22, 2009 2:30 pm

mukhang dapat imerge nalang lahat ng mga toh. iisa alang naman ang general subject eh.

_________________
My PS3 Trophy Card

dualdeath
WTF Admin
WTF Admin

Male
Number of posts : 323
Age : 26
GP : 152

View user profile http://wtfforum.forumotion.net

Back to top Go down

Re: Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 7

Post by Jumi on Wed Jul 22, 2009 5:25 pm

hmm... pwede... kaya lang. paano un?

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts : 589
Age : 26
GP : 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

Re: Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 7

Post by Sponsored content Today at 10:22 pm


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum