Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 6

View previous topic View next topic Go down

Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 6

Post by Jumi on Wed Jul 22, 2009 1:37 pm

Chapter 6 – Ang mga Good Girl


Mga babaeng parang hindi nagagalit. Laging optimistic, friend ng lahat, matino, walang bisyo at walang arte sa katawan. Sila ang mga good girls. Masarap silang kasama at kakwentuhan. Atin silang kilalanin sa kabanatang ito.

Mga katangian ng Good Girl


Walang bisyo. Napakabait. Masarap kausap. Napaka friendly. Hindi suplada. Minsan ay tahimik lang. Hindi rin sila ang nag sisimula ng conversation lalo na kung hindi ka nila kilala. Ang napaka remarkable sa mga babaeng ito ay nakikipag socialize sila ng maayos. Meron silang aura na pag nakikita mo sila ay tila gumagaan ang feeling mo at bigla ka nalang mapapangiti. May sense silang kausap at nagsasalita lang kapag ang nasa utak nila ay talagang may kabuluhan. Kadalasan, sila ay sumasama sa mga gig ng barkada. Hindi sila KJ tulad ng mga babaeng Conservative. Sila yung mga taong hindi susubok ng ibang bagay hanggat hindi kasama ang mga kaibigan nila. Maayos silang karelasyon. Mamahalin nila ang taong nag papakita sa kanila ng pagmamahal. Mas gusto nilang makasama ang mga boyfriend nila kaysa sa kanilang friends. Kaya lang minsan ay nagiging sobra ang pagmamahal na pinapadama nila. Kaya nakakasakal. Pero huwag mag alala. Kung masasakop mo ang utak at puso nya ay wala kang magiging problema sa pakikipag relasyon. Silent but deadly ang mga good girl. Kapag nagselos sila. Hindi nila ito sasabihin. Ipapadama nila ito sa kani-kanilang paraan. Pero huwag mag alala. Madali lang silang suyuin lalo na kung maipapakita mong sincere ka sa ginagawa mo.


Mga Sitwasyon at kung paano ang dapat gawin sa mga Good Girl


Mas gusto ng mga good girl ang tipong. May pagka maangas. Yung mukha kang bad boy pero good boy pala. Gusto nilang makitang confident ka at hindi ka nahihiyang kilalanin sila. Always give them a smile. Mas mapapadali ang pagiging close mo sa kanila. Mag introduce ng topic na nakakatawa or tell a joke kahit corny. May points ka lalo na pag napatawa mo. Eto ang dapat gawin kapag makikipagkilala sa isang Good girl. (again through a friend)

Stand straight. Be confident. Laging ngumiti. Ipakita mong masaya kang kasama. Be the one to ask their name and shake hands. Kapalan ang mukha at maging parang close kayo. Alalay lang sa pag-fe-feeling close. Yung tama lang. Wag OA kung mag salita. Normal lang. Kwentuhan mo sya. Don’t left the phone hanging. Always talk. Before parting ways, Ask her number. And kapag nagawa mo lahat ng nakasulat ditto. I’m sure, she’s more than grateful to give you their number.

Simple lang diba? Sa mga tipo ng babaeng ito. hindi masyadong factor ang first impression. Para sa kanila. Pwede mong mabago ang impression mo lalo na kung makapagpapakita ka ng ibang side mo. Let them feel na welcome silang makipagmingle sa buhay mo.


Personal Experience

Bowling Alley somewhere in las piñas @ 2001

“Krizy, asan na ba si Say? Nag text na ba?” Tanong ni tiff, short for tiffany, kay krizy.

“Yup, parating na daw sya. Nasa intersection na daw eh.” Sagot ni kriz sa tanong ni tiff.

Birthday kasi ni Tiff. At inimbitahan nya ang mga close friends nya. Rather, closest. Ako na best friend nya. At ang dalawa nya pang bestfriend na babaeng si krizy at Say. Balak naming mag bowling para mejo kakaiba ang birthday bash ni Tiff. At para na rin maging private lang saaming apat ang magaganap na party. Ako lang ang lalake sa parting iyon. Ako lang naman kasi ang kababata ni tiff na lalake at best friend nya pa.

“Oh, ayan na pala si Say oh… nakangiti pa ang loka” Sabi ni Krizy nung Makita nya si Say na naglalakad papalapit sa amin.

Nuon ko palang makikilala sina krizy at si Say. Nakekwento sa akin ni tiff na may dalawa syang best friend pero dun lang talaga kami nag meet sa pagkakataong iyon.

“Hay naku, as usual. Late ka naman. Hmf.. birthday na birthday ko tapos….” Patampong sabi ni Tiff kay say.

“Sorry na Tiff. Masyado kasing maraming ginawa sa Office eh. Don’t worry. May surprise ako sa’yo. Tada!” Pasuyong tugon ni Say kay Tiff. Ipinakita ni Say na may regalo sya kay tiff.


“Wow! Thank you talaga sis ha? Ummwah!” Tuwang tuwang sabi ni Tiff kay Say sabay beso.

“Lam mo Say, kayo lang ni Krizy ang nag bigay saakin ng gift. DI TULAD NG ISA JAN!” Parinig sa akin ni Tiff. Wala kasi akong nadalang gift para sa kanya.

“HahahahA” Tawa kaming lahat.

“Ay, nga pala Say. Si Gelo. Sya yung kinikwento ko sa’yong Best Friend ko. remember?” Pakilala sa akin ni Tiff ky Say.

“Hi, I’m Gelo. Short for Angelo. Nice meeting you Say” Pabati kong bungad kay Say. With matching shake hands and ngiti hanggang tenga. Para nga akong asong iwinawasiwas ang buntot sa sobrang ka friendly-han eh.

“Uhm, Say nga pala. Short for Sayang. Hahaha. No. kidding. Short for Lindsay talaga yun. Nice meeting you too.” Sabi ni Say.Ngumiti din sya. Dahilan para magkalakas ako ng loob na Makipagusap at maging confident.

Grabe. Ang sarap nyang kausap. Hindi kami nauubusan ng topic. Masyado syang makwento. Ewan ko lang pero parang that time naging close na agad kami.

After ng party at the bowling alley. Nang pauwi na kami ay inalok ko syang ihatid sa kanila. Total dala ko naman ang car ko. so pumayag sya. Hinatid ko din sina Tiff at krizy para hindi sya mailang. Ang una kong hinatid ay si krizy. After nun ay si Tiff. Huli ko nang inihatid si Say.

“Uy, thank you ha? Nag enjoy ako sa party ni Tiff” Sabi ni Say.

“No problem yun. Nag enjoy din ako sobra. Uhm, pwede mahingi number mo?” Tanong ko kay Say na may halong kaba. Baka kasi di nya ibigay.

“Sure sure.. etoh oh, 09*********”. Pakilala ka lang ha?” Sagot ni Say.

“Uhm sige. Salamat din. Ingat ka. God Bless. Good night.” Tuwang tuwang tugon ko kay Say.

“Same to you. Nice meeting you Gelo” Reply ni Say with matching smiles.

Pumasok na syang bahay at ako naman ay umuwing ubod ng Saya.
Hindi man naging kami ay masaya ako at mayroon akong nakilala at naging kaibigan tulad ni Say. We’re still communicationg until now. She’s a friend that you’re going to treasure.

Konklusyon


Ang mga Good Girls ay magaling sa socialization at pag handle ng relationships. They treasure everything. Kahit ano pa man yan. Friends, lovers, etcetera. Though they may have the tendency para sakalin ka sa isang relationship. Wag ka maintimidate. Pagusapan nyo kaagad ang matter na yan. Para hindi maging hadlang sa huli. Mag ingat nga lang sa ibang guys na umaalialigid sa girl friend mong good girl. Dahil hindi man nila puhunan ang kanilang looks, sure ako na mamamagnet ang mga guys sa ganda ng ugali nila. But don’t worry. Good Girls will remain Good Girls. They’ll be Loyal para sa’yo. Just give them what they deserve. Wag kang manhid. Satisfy their love. Their needs. After all. madali lang naman silang I-please.

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts : 589
Age : 26
GP : 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum