Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 1

View previous topic View next topic Go down

Mga Uri ng Babae at kung paano sila makukuha part 1

Post by Jumi on Thu Apr 02, 2009 3:05 am

Ang mga uri ng babae at kung paano sila makukuha

Chapter 1 – Panimula

Kamanghamanghang titulo para sa aking unang komposisyon diba? “Uri ng babae at kung paano sila makukuha.” Ay isang librong mag tuturo sa’yo kung ano ang dapat gawin sa mga babaeng gusto mo. At para maihanay mo sya sa mga babaeng nasusulat sa librong ito, ay dapat kilalanin mo muna ang babaeng iyon. Kada kabanata ng librong ito ay magpapakilala sa’yo ng isang uri ng babae, mga sitwasyon at kung paano mo sila makukuha. Mayroon din nakalagay na mga suggested na dapat gawin upang umakma ang iyong mga gagawin sa sitwasyon. Astig diba?

Nais ko lang ipaalam sa inyo na ang lahat ng nakasulat dito ay pawang katotohanan lamang. Ito ay base sa aking obserbasyon at sa pakikisalamuha sa humigit kumulang na bente-unong babae. Hindi lahat sa bente-unong babaeng aking nakadaupang palad ay nakuha ko. ang iba ay pawang mahirap talagang arukin. Ngunit ang mabuting bagay sa kanila ay nabigyan nila ako ng impormasyong makapagpapagaling sa aking pagdiskarte sa hinaharap.

Sana, lahat ng aking mabanggit sa librong ito ay di magalit sa akin sa pagkat, gusto ko lang namang magbigay ng impormasyon sa mga kapwa ko lalake. Wala akong intensyong guluhin ang buhay nyo o kung ano pa man. Itatago ko naman kayo sa inyong mga nick name. Wag kayo mag alala.

Ako nga pala si ***********, nag aral ako sa *************. Na sa kung anong dahilan ay wag na nating banggitin kung saan. Ako ay nagtapos ng sikolohiya. Noon pa man ay mahilig na akong makipagusap sa mga tao, inoobserbahan ko kung ano ang mga ginagawa at pinagsasabi nila saakin. Kaya ko napili ang psychology. Mejo may pagka psycho din kasi ako. Ngayon ay nagttrabaho na ako sa isang mental ward sa tondo. At kasalukuyang nag susulat ng mga libro sa sikolohiya. Minsan ay nagsusulat din ako ng mga di pormal na sulatin o libro tulad nito.

Salamat sa pagtangkilik at nawa ay ma enjoy mo ang librong aking sinulat.

Jumi
Silver Double Sided Axe
Silver Double Sided Axe

Female
Number of posts : 589
Age : 26
GP : 216

View user profile http://www.friendster.com/jumi07

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum